Pangako

Pintahan mo ng pag-ibig ang panahon
Ng makulay na panulat ng kahapon
At ang diwa ng isip mo’y ituon
Ala-ala nati’y muling ibangon

Halikan mo ng pangako ang ating bukas
At ako’y ilipad sa mundong di lumilipas
Nang madama ko ang pag-ibig mong dangan
Na di kailanman sa akin ay lilisan

Yakapin mong mahigpit ang ‘yong pangako
Kasama ng pagyakap mo sa aking puso
At ipadama wagas mong pagsuyo
Sa pagal na damdaming sa’yo’y nakapako

‘Wag mong sugatan ang sayo’y nagmamahal
Pagkat dalangin ko sa langit ay ikaw lamang
Sa pagtanda’y kasama’t di mahihiwalay
Paraiso ng pag-ibig mo’y sakin nakahimlay

20 June 2008


About this entry