Habang May Pluma
Habang may pluma ay isusulat kita
Ililimbag ang awit sa aking gunita
Gaya ng paghampas ng alon sa tabing dagat
Nililimbagan ang dalampasigan ng kanyang mga yakap
Habang may pluma ay tuloy ang pagsulat
Iguguhit ang ala-ala ng sa’yo’y pagkamulat
Tulad ng mapulang langit sa dapit-hapon
Pinipintahan ang mga ulap sa kanyang pagsibol
Habang may pluma ay may isang damdamin
Na isusulat ang pag-ibig na sa kanya’y taimtim
Gaya ng mga bulaklak sa luntiang hardin
Kinukulayan ang paligid kong madilim
Ngunit kung ang pluma’y dagling maubos
Hayaang dugo ko ang sa pagsulat ay tumapos
Tulad ng alitaptap sa mapanglaw na gabi
Pipiliting magliwanag buhay man ay mapawi
-gerald
10 June 2008
About this entry
You’re currently reading “Habang May Pluma,” an entry on ...iyo kailan pa man
- Published:
- 10 June, 2008 / 6:01 pm
- Category:
- ...sa aking pagsulat, 2008
- Tags:
9d Comments
Jump to comment form | comment rss [?] | trackback uri [?]