Tadhana
Sa dakilang mundo mo ako’y dalhin,
At sa liwanag ng pag-asa ay iyong damhin,
Ang sigaw ng pag-ibig at bulong ng damdamin,
Na sa Diyos ng langit ikaw ay aking hingin.
Kung ang panahon ay lilipas sa piling mo,
At ikot ng daigdig ay ‘di na magbago,
Mangyari nawang hangad ko’y ‘wag mabigo,
Na ‘di magpalit hibik ng ‘yong puso.
Kung ang tadhana tayo ay datnan,
At ang pangarap ko’y kanya ngang hagkan,
Hayaan mong dalhin kita sa aking kaharian,
Nang hanggang sa pagtanda’y akin kang mamasdan.
Ngunit ang tadhana ay hindi sa akin,
At tila may sariling isip at hangarin,
Kaya’t sa langit taimtim kong panalangin,
Ang makasama ka hanggang sa aking libing.
-gerald™
07 October 2007
About this entry
You’re currently reading “Tadhana,” an entry on …iyo kailan pa man
- Published:
- 7 October, 2007 / 6:46 pm
- Category:
- ...sa aking pagsulat, 2007
- Tags:
- ...sa aking pagsulat
4 Comments
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]