Sa Aking Pagsulat
Kung isusulat ko ang lahat kong pag-ibig
Tumunghay ka kaya’t sa aki’y makinig
At minsan pa’y humawak sa ‘king bisig
Kasama kong maglalakbay sa aking daigdig
Kung sasabihin kong ikaw’y minamahal
Maunawaan mo kayang ito’y aking dasal
At sa mundo ko’y muli kang dumatal
Nang sa tadhana’y tuluyang makintal
Kung sa puso ko ikaw’y matanim
Matanim din kaya sa ‘yong damdamin
Ang walang hanggang sa langit ay hiling
Na sa pagtanda’y ikaw pa rin ang kapiling
Kung ang bukas ko’y hindi ikaw
Mabuti pang katawan ko’y pumanaw
At sa libingan ihimlay katawang mapanglaw
Pag-ibig ko sa iyo’y tahimik na isisigaw
-gerald
31 May 2007
About this entry
You’re currently reading “Sa Aking Pagsulat,” an entry on …iyo kailan pa man
- Published:
- 31 May, 2007 / 6:55 pm
- Category:
- ...sa aking pagsulat, 2007
- Tags:
- ...sa aking pagsulat
1 Comment
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]