Bukas
Kung hihintayin kitang walang maliw,
Dumating ka kaya’t hindi bibitiw
Sa panalanging kay tagal na hiniling
Sa langit na tahanan ng mga bituin
Kung sasabihin kong ako’y ‘di aalis,
Pag-asa bang ito’y ‘di malilihis
At sa landas ng bukas ba’y makakamit
Ang mithi ng puso nating marikit
Kung ang bukas ay malugod na dumating,
At hinagkan dala-dala nating mithiin
Ibigin mo pa kaya ako’t dalhin sa ‘yong piling
Hanggang malagot ang hininga’y iyo pa kayang yakapin.
Ano’t ano pa man ang mangyari bukas,
Ang mga ibon man sa langit ay ‘di na mamalas,
Pag-ibig ko sayo’y ‘di na magwawakas,
Habang buhay ikaw sa aking talastas.
-gerald
05 January 2007
About this entry
You’re currently reading “Bukas,” an entry on ...iyo kailan pa man
- Published:
- 5 January, 2007 / 6:56 pm
- Category:
- ...sa aking pagsulat, 2007
- Tags:
- ...sa aking pagsulat
1 Comment
Jump to comment form | comment rss [?] | trackback uri [?]