Huling Tula
Malalim na ang sugat ng makata
Kaya ito na marahil huli nyang tula
Isang tuldok sa marangal na adhika
Ang paghiga sa tugatog ng payapang lupa
Kung ang bawat indayog ng panulat
Ay maghahatid ng panibagong sugat
Mangyari nawang kamay ko’y maparalisa
Nang pagpatak ng luha ko’y matigil na
Kung sa pagtibok ng puso ko’y nasasaktan
At sigaw ng isip ko’y ikaw’y hagkan
Mangyari nawang katawan ko’y pumanaw
Nang panaghoy ng bukas ay wag nang matanaw
-gerald
28 December 2006
About this entry
You’re currently reading “Huling Tula,” an entry on ...iyo kailan pa man
- Published:
- 28 December, 2006 / 3:20 pm
- Category:
- ...sa aking pagsulat, 2006
- Tags:
2d Comments
Jump to comment form | comment rss [?] | trackback uri [?]