Pag-asa…

Nahagkan ko ang puting ulap
Nang sabihin mong ako ay ‘yong pangarap
At nang ako ay iyong niyakap
Maging mga bituin ay aking naapuhap

‘Di inaasahan ang iyong pagdating
Ikaw’y naging lunas sa tuyo kong damdamin
Binigyang buhay mundo kong madilim
Tinanglawan ang pusong naninimdim

Sana’y sa papawirin ng pag-ibig ay makasama ka
At sa pagtanda ikaw’y makapiling pa
Hanggang sa huling pikit ko’y nais kang makita
At sa huling hininga’y masambit kong ‘mahal kita’

Pag-asa kong ito’y hindi mauupos
Buhay ko man ay tuluyang matapos
Ngunit sakaling pag-asa’y tangayin ng unos
Luhang mat’wid ay dagling aagos

-gerald™
19 October 2006


About this entry