Paalam…
Ipinipikit ko ang aking mga mata
Nagbabakasakaling ikaw’y makikita
At madarama ang ‘yong pagsinta
Sa tulad kong wala nang pag-asa
Kung sanang tugma lang ang tadhana
At ginawa ka n’yang malaya
Ay isisigaw ko sa lahat ng mga makata
Ang damdamin kong walang hangga
Ngunit kahit gaano katamis ang pagsuyo
Ng puso kong sa pag-ibig ay dumudugo
Mananaig pa rin kinagisnan kong turo
At ang lahat sa sakripisyo na lang madadako
Gano’n pa man ako pa ri’y umaasa
Na sa iisang mundo tayo muli’y magkikita
Walang balakid saan man magpunta
Sa habang buhay tayo’y magsasama
Kung sakali mang hiling ko’y ‘di magwawagi
At ang pag-asa ko’y dagling masasawi
Tandaan mong minsan kita’y aking pinili
Alalahanin ang pag-ibig sa bawat sandali
-gerald™
18 October 2006
About this entry
You’re currently reading “Paalam…,” an entry on …iyo kailan pa man
- Published:
- 18 October, 2006 / 3:55 pm
- Category:
- ...sa aking pagsulat, 2006
- Tags:
1 Comment
Jump to comment form | comments rss [?] | trackback uri [?]